Tuesday, May 23, 2006

Kish Kita Diyan Eh!




Zeena: Grabe Lis ang pangit sa Kish.

Lis: Pangit? Anong pangit? Impyerno sa Kish! Pucha!

Zeena: Wait lang, para sa kaalaman ng iba, ano ba yung Kish?

Lis: Isa siyang islang matatagpuan sa Iran. Statistics show that hundreds of people go there every day. Duh! Bakit kaya? Hindi nga ba, ang Kish ay visa-free!

Zeena: yup, kaya tyao pumunta dun kasi nag expire na yung visit visas natin at kailangan nating mag exit. Duh, ok lang yung exit eh. Pero hindi naman sinabing mag SUFFER!

Lis: Bakit? Hindi ka ba natuwa sa love story ni Ate Shiela (36, Pinay, malaki puson at pata) na nakakita ng true love sa katauhan ni Fareed Hussein, isang batang batang Egyptian na pinili siyang maging pangalawang asawa.

Zeena: Wow pangalawang asawa. Something to be proud of! Duh kaya natulog na lang ako kesa makinig sa kanya. Ikaw kaya na endure mo yung kwento niyang walang kwenta. Plastik!

Lis: Can't help it eh, lalo na nung sumama pa sa usapan si Haydee (30 something na nagmumurang kamatis, get the picture?) na dine-date and tyuhin ng dati niyang barkada. Paano mo ba naman tatanggihan yan?

Zeena: Ummm ewan ko pero alam ko mas gusto kong magmumog ng brown na tubig sa "hotel room" (isang munting bungalow na parang bahay sa Apalit, Pampanga) para matapos na ko mag sipilyo at makatulog na lang sa kamang may surot! O beat that!

Lis: Hello, may tatalo pa ba sa sala/bedroom? Aminin mo nagulat ka noh? Kala ko aabutan natin sala set, pucha biglang limang kama ang katapat natin pag pasok!

Zeena: OK lang naman sa akin yun. Ang ayoko lang eh yung mga babae sa kabilang kwarto nagpapasok ng mga lalakeng kasing jologs nila, naglalaro ng baraha, parang outing lang ng mga saleslady sa Puerto Azul Cavite. Gusto mo yun?

Lis: Dun ka ba talaga nainis? O sa pagtawag tawag sa 'yo ng "ate, alis na rin kayo bukas? 'Te, 'no trabaho niyo?" Te te . . . teka lang a? Kelan ba nila balak umalis sa impyernong yun?

Zeena: Oo nga kawawa, yung iba sa kanila isang linggo na nandun. Hindi pinapadala yung visa ng mga tinuturing nilang kaibigang kabayan. Lis, pag binigyan kita ng pera pang visa ko, at nagpunta ako sa Kish, ifafax mo ba agad yung visa o sasabihin mong sira ang fax machine sa immigration?

Lis: Regarding sa first statement, eto lang masasabi ko... HHAHAHAHHAHAHAHAHA! Plastik! Magpakatotoo ka nga! tigilan mo ko! Naku hindi ko naman sasabihin sa iyo yun. Sisisihin ko lang si Naseem na inutusan ko para mag fax!

Zeena: Hay Lis. Buti na lang ikaw ang kasama ko sa Kish. Halika nga rito pa-kish nga!

Lis: No nooooo! Alam mo namang strict sila dito. No kissing in public!

Zeena: Drop the act and give me a big wet kiss. You know you want it.

Lis: Ewwwwwwww. Haram haram!

Zeena: Hindi nga Lis, never na tayong pupunta sa Kish a?

Lis: Hay nako sabihin mo yan sa malaking pwet at sira ulong boss natin!

Zeena: Hoy, sira ulong boss namin na malaki ang pwet, never na kami pupunta sa Kish ha!

Lis: (boses ng boss namin) But Zeena, I haven't paid Interactive yet. And I'm planning to have my butt reduced, so . . . you call the shots!

Zeena: God I hate you. But I hate Kish more!!!!

Lis: Me too!!! But no, aminin mo, maabilidad tayo, biruin mo, dapat 7 AM the next day pa tayo babalik ng Dubai, kamusta yung 2:30 pa lang ng hapon umuwi na tayo?

Zeena: Ummm I owe it all to your merienda. Yung paghigop mo ng sopas galing sa maliit na plastic cup, nakakaawa. Tuloy naging chance passengers tayo at nauna pa tayo sa mga loshang na kanina pa naghihintay sa airport. At ngayon, fabulosa pa rin tayo! . . . Ummm, the plane WAS super wobbly though. Parang bus lang galing Taft to Fairview.

Lis: True. Pero ayoko lang talaga magpatalo kay Ate Mae/Mama Chona lookalike na nang api ng lang sa Russian at sinabing "Sht, prostitute yan!"

Zeena: Hahahah true parang pag Russian pokpok na agad, just like pag sinabing Pinay, housemaid na agad. Can you spell IGNORANCE DUE TO POOR EDUCATION AND UPBRINGING? Wait lang parang ang ayos nating umasal. San galing yun?

Lis: Ewan ko sa yo eh ikaw nag isip niyan eh, di ko naman iniisip yan.

Zeena: Ay hindi yun ang iniisip ko, ang iniisip ko, gusto kong kotse yung may CD changer para hindi masyadong mahirap magpalit palit ng sounds. Ikaw ba Fi, anong iniisip mo? Pagod ka na sa tape? Lipat na!

Lis: Tape? Thank God Old school ako, and I'm just a simple person. I want my car to be plain and simple. Ikaw?

Zeena: Ummm ambitious ako. Aim high, ikaw nga. Kung magka CD changer ka na, sabihin mo lang sa akin. Ipapa activate ko yung navigator ko ha? Para habang madaling makinig ng sounds, alam ko na rin ang daan papuntang Hatta, for example. Di ba nga naman guuuurl, ganon lang ang buhay? You win some, you lose some. You win some guy, you lose some weight. OR . . . you lose a guy because you've GAINED some weight.

Lis: Ay parang hindi applicable sa akin yun kasi meron akong guy ngayon pero I gained weight. Pano yun, Madame Oda? Helping me helping me! Sincerely, Confused Simple Girl.

Zeena: Dear Confused simple girl, talaga, tanggap ka niya kahit mataba ka? Tignan mo rin naman baka may kakulangan siya. Hindi nga ba kakagaling lang natin sa AIRPORT? La lang tignan mo lang yung noo niya kung pwede paliparan.

Lis: Ang sama mo. Bakit ka ganyan?

Zeena: May regla ako, may reklamo?

Lis: OK that sums up this conversation.

Zeena: Ok, last na lang. Dahil mag e end na to, at Kish naman talaga ang topic, i-relate mo nga sa regla ang Kish.

Lis. Nu kaya yun. Baliw ka talga pag meron ka.

Zeena: So not. Eto. Ang regla at Kish, parehong mabaho, masangsang, nakakairita, nakakainit ng ulo, at ayaw mo na ulit ma engkwentro. Oha, ikaw?

Lis: Pucha ang Kish madugo talga!

Zeena: Apir! O sige tutal we're back home. Home is where the heart is, and where my fart is!

Lis: Hahahhaha fart na amoy . . . .. God I miss that smell!

Zeena: Well, here it is....

No comments: