ang hirap ng buhay.
kung gusto kong magtrabaho sa magandang kumpanya,
kailangang makisama sa ng banyaga.
para makarating sa opisina tuwing umaga,
kailangang magising ng madaling araw.
pag gusto kong mabilis at huwag mahuli sa oras ng pasok,
magtataxi ako nang pagkamahal mahal.
kung gusto kong makatipid,
mabuti pang hindi na ko matulog sa aga ng gising at tagal ng bus.
kung gusto kong magtrabaho ng maayos,
dapat lahat gawin ko, kahit na yung imposible.
kung oras na ng pagkain at gutom na gutom na ko,
kailangan pang maglakad ng isang kilometro sa initan para bumili ng pagkamahal mahal na pagkaing napakatabang naman.
kung gusto ko nang umuwi,
ilang oras na paglalakad at paghihintay na naman ang kailangan.
kung gusto kong magluto ng masarap para sa hapunan,
hindi na maaari dahil wala nang oras at pagod na rin ang katawan.
kung gusto kong matulog ng walong oras para mabawi ang lakas ko,
hindi posible dahil kailangan na namang gumising nang maaga.
kung gusto kong huwag muna pumasok dahil sobra na ang trabaho ko,
hindi rin posible dahil mawawalan ako ng trabaho.
kung gusto kong magrelax kahit limang minuto,
hindi pwede dahil maya't maya may lumalapit at may ipapagawa.
gusto ko lang naman ng masaya at tahimik na buhay,
may mga kaibigang tutulong at pamilyang aalalay.
ngayon parang mag isa lang ako sa lugar na ito.
parang walang sasaklolo pag bumigay na ako.
pero hindi naman pwedeng biglang ayoko na,
tama ba iyon?
dapat maranasan ko ito, dahil hindi naman magtatagal,
makakasanayan ko na rin ito.
at hindi rin magtatagal,
hindi na magiging ganito kahirap.
pero ngayon kailangan magtiis.
bawat bagay na gusto mong makuha, kailangang maghirapan.
ang hirap ng buhay.
No comments:
Post a Comment