Sunday, July 10, 2005

high school

ILANG ARAW NA LANG

Nikko, Yogi, Teresa ,Kaye and I composed this song for our alma mater a few days before our graduation. We sang it in fron to f the whole batch and the juniors.
Don't you just miss high school?

Umaga na naman
Heto parin ako naghihintay
Sana bumuhos ang ulan
Mabuti pang magtext na lang
May quiz kami sa physics at trigo
Hirap kasi, walang kapantay
Magclinic ka na lang

Huwag na lang kaya ako pumasok
(Masakit ang aking batok)
Di na talaga ako papasok

Pero teka nandiyan mga kaibigan
Mga teachers na maaasahan
Di malimutang pinagsamahan
Chikahang walang hangganan
Ilang araw na lang
Tapos na ang lahat ng 'to
Mamimiss ko talaga ang Miriam

Hapon na naman
Heto pa rin ako naghihintay
Sana huwag na kong sunduin
Ayoko pang umuwi

Sana bukas ay may pasok
(Bakit last day ko na 'to?)
Gusto ko bukas ay may pasok

Dahil syempre nandiyan mga kaibigan
Mga teachers na maaasahan
Di malimutang pinagsamahan
Chikahang walang hangganan
Ilang araw na lang
Tapos na ang lahat ng 'to
Mamimiss ko talaga ang Miriam

Ilang araw na lang
Mamimiss ko talaga ang Miriam

Image hosted by Photobucket.com
me and spren charm at seattles katipunan.
pharmacist siya. how is she? may boyfriend na ba?

Image hosted by Photobucket.com
wyson, cookie and me in cookie's car. tambay tambay.
pero kami ni wys may ginagawa sa totoong buhay. si cookie lang talaga ang tambay.

Image hosted by Photobucket.com
me and wys at cafe lupe. sobrang tagal na naming friends. she was the first one to see the freak in me. nilait lait niya yung spanish skirt ko nung grade 4. sana may picture siya nung nadapa siya nung nagjogging kami. gumulong gulong siya sa semento. hah!

Image hosted by Photobucket.com
nikko and me. in front of pan de manila katipunan. adik siya sa pandesal. musta yun?

Image hosted by Photobucket.com
cookie. niloloko loko ko kasi nadidistract magdrive. si nikko nasa likod masaya lang.
nanuod kami nito ng super flop na movie, yung si ashton with the black girl. hindi kami natawa.
pero patok na patok kay cookie. yeah, that's cooks for you.

Image hosted by Photobucket.com
nikko and me, mcdo eastwood. nagpapicture kami with jimpson, yung kadiring guy na feeling model. basta nakakatawa yun!

Image hosted by Photobucket.com
cookie and me. quality time at bento box katipunan.
kwento siya ng mga tennis dudes na pinagnanasaan niya.
one of the boys daw siya. ako one of the vaklers.

No comments: