Sunday, January 08, 2006

sa iba mo na itanong

sakit ng katawan
sakit ng ulo
sakit isipin
utak magulo

namimingwit ng konting alaala
sa dagat na nangakong may pag-asa

kaya sumulong na ako
lumangoy papalayo
huminga nang malalim
sumisid sa malalim

sarap ng ginhawa
sarap ng karanasan
sarap sabihing
minsa'y natikman

ngayo'y umaahon
patungo sa pampang
hindi na alintana
kung may napala

ngayo't nakahiga
namamahinga na
huminga nang malalim
hinintay magdilim

subukan mo
hindi ito biro
sa loob ng isang minuto
kay raming nagbago

pag-ibig ba ito?
sa iba mo na itanong
para sa akin, kahit ano pa ito
luha'y binaon
alaala ay bina-on

No comments: