Wednesday, January 11, 2006

"Be happy. It's one way of being wise." -Colette

hahaha
yan ang sabi ng iba
sa buhay na nilalaro
ang katinuan nila

hahaha
kaya pa raw niya
ang taas-babang pagtulak
sa kapalaran niya

hahaha
wala raw siyang paki
kung lugmukin siya
araw at gabi

hahaha
tanggapin lang daw
ang bawat kaganapan
ang init at ginaw

hahaha
di pa ba pagod?
huhuhu
hahaha

No comments: