nanuod ako ng isang pelikula kagabi.
naiyak ako. naalala kita.
walang naniniwala sa bida,
na nawala ang anak niya sa loob ng isang eroplano.
hibang daw siya, at malungkot lang.
patay na raw ang anak niya at
nakikita niya lang ang gusto niyang makita
dahil mas madali ang buhay pag ganon.
gumawa siya ng paraan para hanapin ang anak niya.
nandun, sa isang sulok sa dulo ng eroplano,
nahihimbing at walang malay.
pinasabog niya ang ang dumukot sa anak niya
at lumabas siya ng eroplano karga karga ang anak niya.
hindi ako naniwala sa iyo, mula noon hanggang ngayon.
wala akong tiwala sa yo.
sa paglipad natin, nahibang hibang ako
at hindi naniwalang kailangan kitang iwan.
naghanap ako ng rason para kalimutan ka.
at nang nahanap ko na,
pinasabog ko na ang alaala mo.
at lumabas ako nang buhay at masaya,
kasama ang rason. hindi ko na ito papakawalan.
gusto ko lang i-compare.
(hinga nang malalim)
No comments:
Post a Comment