Monday, January 09, 2006

ang bilis bilis

ang bilis bilis ng oras
'di na pwedeng umatras
pagkabitiw ng salita
sundutin na ng gawa

ang bilis bilis ng hudas
pagkabihag, wala nang takas
'di na pwedeng tumawad
sa kasamaang palad












ang bilis bilis ng iwas
agad agad kakaripas
tanong ay 'di nasagot
isa na namang nakalusot

ang bilis bilis ng tagas
tuloy tuloy ang pag awas
isa, dalawa, tatlo
naubusan na tayo

No comments: