Monday, June 15, 2009

Tulad ng mga bituing
Nawawala ang ningning
Hindi ko makita
Ang gusto kong makita
Sa 'yong mga mata

Tulad ng dulot na perwisyo
Ng ugong ng eroplano
Nabibingi ako
Sa mga panloloko
Sa pabibo bibo

Pag natapos ang usapan
Simula na ng kasiyahan
Huwag ka nang magtanong
At di na rin kita pagdududahan

Pang ilang tagay na ba to?
Ika'y nakakahilo
Lungo na nga ako
Napapapikit na
Napapahikab na

Pang ilang kanta na ba to?
Gawa gawang lambing
Iisa lang ang tono mo
At di ko masabayan
Di ko masabayan

Pag sumikat na ang araw
At nasilaw ka sa akin
Kusa akong lalabas
Pinto mo'y ikandado
Para sigurado

No comments: